Thursday, January 16, 2025

HomeNewsSuspek sa pagpatay sa isang Brgy Chairman sa Biliran, arestado sa isinagawang...

Suspek sa pagpatay sa isang Brgy Chairman sa Biliran, arestado sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng PNP

Naval, Biliran – Arestado na ang suspek sa pagpatay sa isang Brgy. Chairman sa Biliran sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng PNP sa Brgy Cavite East, Palo, Leyte nitong Huwebes, Hulyo 7, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Jene Balce y Sumayan, alyas “Bobby”, 36 taong gulang, may common-law-wife, construction worker at residente ng Sitio Tondo, Brgy. Julita, Biliran, Biliran.

Naaresto si alyas “Bobby” sa pinagsamang operatiba ng Biliran Municipal Police Station, Biliran Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit Operatives, Regional Information Unit/Provincial Intelligence Team Biliran at Palo Municipal Police Station.

Napatay ng suspek ang Barangay Chairman ng Biliran na si Roberto M Yapan, 42 taong gulang, may asawa, at residente ng Sitio Rawis, Brgy. Julita, Biliran, Biliran. Si Yapan ay pinagsasaksak ng naarestong suspek hanggang sa mamatay.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Biliran MPS para sa dokumentasyon at para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.

Pinapurihan naman ni Police Colonel Dionisio Dc Apas, Jr, Acting Provincial Director ng Biliran PPO ang lahat ng operating troops para sa matagumpay na operasyon at sa agarang solusyon ng naturang krimen.

Source: Biliran Police Provincial Office | https://web.facebook.com/photo/?fbid=344087734563836&set=a.163065555999389

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe