Tacloban City—Bagsak sa kulungan ang isang sundalong suspek sa pagpatay sa isang Barangay Chairman sa Brgy. Caranhug Javier, Leyte noong Agosto 22, 2022.
Kinilala ang suspek na si Sgt Alexandro Candra, 33 anyos, enlisted personnel na nakatalaga sa 63rd Infantry Batallion, 8ID, Brgy Guirang Basey Samar at residente ng Purok 6, Brgy Mercedes, Catbalogan City.
Pinaniniwalaang si Candra ang suspek sa pagpatay kay Chairman Riños noong Agosto 22, 2022 sa Brgy Caranhug, Javier, Leyte kung saan nakilala ito sa tulong ng CCTV footage at mga saksi sa pinangyarihan ng krimen
“We will not tolerate any wrongdoing of our troops”, mensahe ng pamunuan ng 63rd Infantry Battalion, Philippine Army bilang tugon sa naarestong sundalo na hinihinalang pumatay sa isang Barangay Chairman sa Javier, Leyte.
Sa inilabas na pahayag ng 63IB, katuwang nila ang pulisya sa isinasagawang imbestigasyon kay Sergeant Alexandro Calda na miyembro ng 63rd Infantry Battalion sa pagkamatay ni Barangay Chairman Joel Riños.
“We will follow the due process of the law and ensure that the trust and confidence of the Filipino People in the Army will not be tainted by this act of an individual member”, ayon kay Lieutenant Colonel Lucio Janolino, Commanding Officer ng 63rd IB.
Inaresto si Calda ng mga operating team ng Javier MPS at Tacloban City Police Office dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act noong Agosto 29, 2022.