Sunday, January 5, 2025

HomeNewsSundalo, sugatan sa naganap na engkwentro; mga armas. narekober 

Sundalo, sugatan sa naganap na engkwentro; mga armas. narekober 

Isang sundalo ang nasugatan sa naganap na engkwentro laban sa mga teroristang grupong komunista na CPP-NPA-NDF sa Barangay Canhandugan, Jaro, Leyte nito lamang, Disyembre 30, 2024.

Ayon sa impormasyon mula sa 802nd Infantry Brigade, iniulat ng mga residente ang presensya ng mga miyembro ng NPA sa lugar. Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang militar at nagkaroon ng sagupaan laban sa mga rebelde. Tumagal ng mahigit limang minuto ang putukan bago tumakas ang mga NPA sa di matukoy na direksyon.

Nagresulta ito sa pagkasugat ng isang sundalo na hindi pa pinapangalanan at kasalukuyan pang ginagamot sa ospital.

Nakumpiska naman ng mga sundalo ang isang calibre .45, tatlong improvised explosive device, mga bala, at iba pang kagamitan.

Ayon kay Lieutenant Colonel Charlie L. Saclot, Commanding Officer ng 93rd Infantry Battalion, naging mahalaga ang kooperasyon ng mga sibilyan para sa matagumpay na operasyon.

“Ang impormasyon na ibinigay ng mga residente ng Barangay Canhandugan tungkol sa presensya ng mga kahina-hinalang indibidwal sa kanilang lugar ang nag-udyok sa amin na agad magpadala ng tropa, na nagresulta sa engkwentro,” pahayag ni Lt. Col. Saclot.

Pinuri rin ni Brigadier General Noel A. Vestuir, Commander ng 802nd Infantry “Peerless” Brigade, ang mga sundalo ng 93IB para sa kanilang mabilis na pagresponde sa problema ng komunidad.

“Muli, nabigo ang NPA sa kanilang teroristikong aktibidad dahil sa mahalagang tulong ng mga mamamayan na nagbigay ng impormasyon sa presensya ng mga hindi kilalang indibidwal sa kanilang lugar,” ayon kay Brig. Gen. Vestuir.

“Para sa natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group, panahon na para bumalik sa ilalim ng batas at mag-avail ng mga serbisyo ng gobyerno tulad ng Amnesty Program na nag-aalok ng kapatawaran at pagkakataong magbagong-buhay.”

Hinihikayat ko rin ang lahat ng Leyteños na patuloy na tanggihan ang anumang suporta sa mga grupong terorista upang maisulong ang ating kolektibong layunin na palayain ang ating mga komunidad mula sa takot, intimidasyon, at pananamantala,” dagdag pa niya.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe