Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsSundalo, patay matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Calbayog City

Sundalo, patay matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Calbayog City

Patay ang isang sundalo nang pagsasaksakin ng kainuman nito sa Lungsod ng Calbayog City, Samar noong Huwebes, ika-11 ng Agosto, 2022.

Batay sa report ng Calbayog City PNP, naganap ang krimen bandang alas 9 ng gabi sa Purok 4, Brgy. Macatingog sa Oquendo District.

Kinilala ang nasawi na si Private First Class Mark Dian Fuentes, 32 anyos, residente ng P-6, Brgy. Palanit, San Isidro, Northern Samar at miyembro ng Philippine Army na nakabase sa Bayan ng Matuguinao, Samar.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Michael Cardinas, 36 anyos, isang magsasaka at residente ng Purok 3, Brgy Roxas II, Oquendo District, Calbayog City.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng maiinit na pagtatalo ang biktima at ang suspek na nagresulta kalaunan sa pagkakasaksak sa sa dibdib, tiyan, at balakang.

Ang biktima ay agad na dinala ng kanyang mga kaanak sa St. Camillus Hospital, Calbayog City ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Agad namang tumakas ang suspek at ngayo’y patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe