Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsSundalo, arestado sa kasong panggagahasa sa menor de edad sa Samar

Sundalo, arestado sa kasong panggagahasa sa menor de edad sa Samar

Arestado ang isang sundalo na nakalista bilang City Top 1 Most Wanted Person sa manhunt operation ng Catbalogan City Police Office sa Brgy 3 Catbalogan City Samar, Oktubre 5, 2022.

Kinilala ang suspek na si alyas ​​​​“Amba”, 28 taong gulang, may asawa, aktibong miyembro ng Philippine Army, nakatalaga sa 20th Infantry Battalion na nakabase sa San Jorge Las Navas Northern Samar at residente ng Paranas Samar.

Ang suspek ay inaresto sa pamamagitan ng multiple standing warrant of arrest sa kaso ng limang (5) counts ng Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5 ng RA 7610 at dalawang (2) counts ng Statutory Rape.

Sa nakuhang impormasyon ng mga awtoridad, ang biktima ng nasabing krimen ay menor de edad na kamag-anak ng suspek.

Ipinadala na si alyas “Amba” sa Catbalogan City Police Office para harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe