Nakatanggap ng tulong pinansyal ang isang sugatang sundalo ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army mula sa Iloilo Provincial Government nitong ika-12 ng Enero 2024.
Ang halagang Php20,000 na tulong ay ibinigay kay Corporal Dionson na kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa Camp Peralta Station Hospital.
Si Cpl Dionson ay nagtamo ng sugat sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar laban sa New People’s Army sa Barangay Igpaho, Tubungan, Iloilo noong nakaraang Enero 17, 2024.
Nagpapasalamat si Major General Marion Sison, 3rd Infantry Division Commander sa tulong na ibinigay ng Provincial Government sa kanilang sundalo.
Ang pagtulong na ito ay isang patunay ng suporta ng buong Provincial Government ng Iloilo sa kampanya ng ating pamahalaan laban sa insurhensiya sa ating bansa.
Sa kabilang banda, ang 3rd Infantry Division ay positibong patuloy na tutulong sa lahat ng suliranin upang makamit ang matagal na minimithi ng lahat na makamtan ang kapayapaan at seguridad hindi lamang sa lalawigan ng Iloilo kundi sa buong isla ng Panay.
Source: Radio Pilipinas Iloilo