Ginawaran ng Medalya ng Sugatang Magiting (PNP Wounded Personnel Medal) ni Police Regional Office 6 Top Cop, PBGen Jack L Wanky, Regional Director si Police Staff Sergeant Ronie U Melgar at kasabay nito ay hinandugan ng tulong pinansyal sa Bacolod City, Negros Occidental, nito lamang ika-8 ng Hunyo, 2024.
Si PSSg Melgar ay nasugatan sa isang armadong engkwentro laban sa mga suspek sa Barangay Magticol, Toboso, Negros Occidental habang isinasagawa ang anti-illegal drug operation, bandang umaga ng nasabing araw.
Pinangalanan ang dalawang naaresto na sina alyas “Kempee”, 45 taong gulang, at alyas “Aries”, 30 taong gulang, samantala si alyas “Nonoy”, 32 taong gulang, ay nakatakas na kasalukuyang tinutugis ng awtoridad.
Nasamsam ang humigit-kumulang 61 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php414,000.00. Bukod pa sa mga iligal na droga, nakumpiska din ng mga operatiba ang isang caliber .45 na baril, dalawang magasin, at 12 na mga bala.
Pinuri ni Police Brigadier General Wanky ang dedikasyon ng mga operatiba ng Toboso Municipal Police Station at ng buong pwersa ng pulisya sa rehiyon sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
“Recently, one of our comrades was wounded in a legitimate drug bust in Toboso, Negros Occidental. This courageous act is worthy of emulation and even inspires other that despite of danger in drug operation, someone is willing to offer his life for the security and protection of the citizens.”
“Rest assured that being your Regional Director, I will keep on dwelling your welfare as well as recognizing your selfless contribution to the organization. Let’s cleanse our society free from drug menace and other forms of illegalities.”
“Stronger together, we will keep Western Visayas a better place to live, work, visit and invest,” dagdag pa ni PBGen Wanky.
Ang pagkilala at pagbibigay ng suporta sa mga sugatang pulis tulad ni PSSg Melgar ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo at kabayanihan.
Patuloy na pinapakita ng mga pulis sa Western Visayas ang kanilang katatagan at dedikasyon sa paglaban sa iligal na droga at kriminalidad para sa mas maliwanag na kinabukasan tungo sa bagong pilipinas.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Justine