Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsSouthern Leyte-Surigao, nagbukas ng bagong ruta sa dagat upang pigilan ang pagsisikip...

Southern Leyte-Surigao, nagbukas ng bagong ruta sa dagat upang pigilan ang pagsisikip sa daungan

Tacloban City – Ang lokal na pamahalaan ng Maasin City sa Southern Leyte ay nag-isip ng paraan upang matugunan ang port congestion sa lalawigan kasunod ng pagbubukas ng bagong rutang dagat sa pagitan ng lungsod at Lipata, Surigao del Norte.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Mayor Nacional Mercado na ang bagong ruta ay magbibigay sa mga operator ng cargo truck ng mga opsyon upang marating ang kanilang mga destinasyon sa Luzon at Mindanao, kahit na may kasalukuyang rehabilitasyon sa ilang pantalan sa lalawigan.

“For the longest time, Surigao del Norte has been accessible from Southern Leyte through the existing San Ricard, Liloan, and Padre Burgos ports. This is another option and opportunity for our travelers, especially cargo movers,” sabi ni Mercado.

Dagdag pa niya, napapanahon ang pagbubukas ng rutang Maasin hanggang Lipata dahil sasailalim sa rehabilitasyon ang Padre Burgos port ngayong taon.

“We are working hard to ensure the sustainability of cargo shipping operators operating their services in the city and in the province as well,” dagdag ni Mercado.

Nitong Pebrero 1, 2024, ang cargo vessel na LCT Josie Fe 01 ng RLS Shipping ay nagkaroon ng kanilang unang biyahe sa pagitan ng dalawang isla. Nagsakay ito ng 20 wing van, anim na sports utility vehicle at 15 motorsiklo.

Bukod sa kargamento, inihayag din ng RLS Shipping Lines ang plano nitong magpatakbo ng isang fast craft sa rutang Limasawa-Maasin-Cebu, ayon kay Mayor.

“We are looking forward to this development, and we hope that it will be implemented sooner for faster travel by our tourists and to help boost the tourism industry and the economy of the province,” dagdag pa niya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe