Iloilo City – Matagumpay na isinagawa ang Solidarity Pact Signing for the 2025 National and Local Elections and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election sa Police Regional Office 6 (PRO6) Multi-Puprpose Hall, Camp Gen Martin Teofilo B Delgado, Iloilo City nito lamang ika-5 ng Pebrero, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Commission on Elections (COMELEC) Region 6, na may layuning makamit ang pagkakaisa at patas na halalan sa darating na eleksyon.
![](https://i0.wp.com/tinigngkabisayaan.com/wp-content/uploads/2025/02/viber_image_2025-02-06_13-32-35-762.png?resize=696%2C522&ssl=1)
![](https://i0.wp.com/tinigngkabisayaan.com/wp-content/uploads/2025/02/viber_image_2025-02-06_13-32-29-579-1.png?resize=696%2C522&ssl=1)
Minit na sinalubong ng mga awtoridad ang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa naturang pagtitipon na si Atty. Dennis L. Ausan, Regional Election Director ng COMELEC Region 6, binigyang-diin niya sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor upang matiyak ang isang malinis at mapayapang eleksyon. Ayon sa kanya, hakbang na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagprotekta ng demokratikong proseso sa bansa.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at unipormadong hanay.
Kabilang sa mga lumahok ay ang mga awtoridad mula sa Police Regional Office 6. Naroon din ang mga kinatawan mula sa Philippine Army, Department of Interior and Local Government 6 (DILG 6), Coast Guard Western Visayas, Department of Education 6 (DepEd 6), at Jaro Archdiocesan Social Action Center.
Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa adhikain ng patas at mapayapang halalan.
Isa sa mahalagang bahagi ng aktibidad ay ang Solidarity Pledge, kung saan sabayang nanumpa ang mga kalahok habang nakataas ang kanilang kanang kamay bilang tanda ng kanilang pangako sa integridad ng eleksyon.
Matapos nito ay isinagawa ang pormal na paglagda sa Solidarity Pact, na sumasagisag sa kanilang dedikasyon sa isang maayos at patas na halalan.
Sa pagtatapos ng programa, ito ay nagbigay ng positibong resulta sa mga dumalo, na nagpapahayag ng kanilang patuloy na suporta sa layunin ng COMELEC.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy nilang ipatutupad ang mga alituntunin upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.
Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, ipinakita ng mga awtoridad sa Iloilo ang kanilang kahandaan at dedikasyon sa pagpapanatili ng demokrasya sa bansa.
Source: PCADG Western Visayas