Isinasagawa na ang soil testing bilang bahagi ng paghahanda para sa konstruksyon ng Panay-Guimaras-Negros Bridges Project.
Nagsimula ang nasabing aktibidand nitong Pebrero 17, 2025, na layong tiyakin ang katatagan ng lupa bago ang pagsisimula ng aktwal na pagtatayo ng tulay.
Ang proyektong ito ay isa sa pinakamalalaking imprastrukturang ititatayo sa rehiyon na magkokonekta sa tatlong pangunahing isla upang mapadali ang transportasyon at mapaunlad ang ekonomiya ng Western Visayas.
Patuloy na minomonitor ng mga kinauukulan ang soil testing upang matiyak na ang proyekto ay maitatayo nang matibay at ligtas para sa publiko.
Source: Panay News