Saturday, January 4, 2025

HomeNewsSoil Rejuvenation Program sa Eastern Visayas, papalawakin Department of Agriculture

Soil Rejuvenation Program sa Eastern Visayas, papalawakin Department of Agriculture

Pinapalawak ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng kanilang soil rejuvenation program para mapataas ang ani na sumasaklaw sa 10 pang farming towns sa limang probinsiya ng Eastern Visayas region.

Sinabi ni DA Eastern Visayas Regional Executive Director Andrew Orais na ang Yamang Lupa: Sustainable Community-Based Action R4DE For Enhancement, Upliftment and Prosperity (SCALE-UP) program ay handa na para magamit sa ibang mga lugar kasunod ng tagumpay ng pilot program sa mga piling rice farms sa Samar at Leyte provinces.

Para sa taong ito, ang mga sakop na lugar na may sukat na mahigit 10,000 ektarya, ay ang Abuyog at Javier sa Leyte; Maasin City at Bontoc sa Southern Leyte; Borongan City at Salcedo sa Eastern Samar; Catarman at Allen sa Northern Samar; at mga bayan ng Naval at Caibiran sa lalawigan ng Biliran.

“Ang Yamang Lupa SCALE-UP program sa rehiyon ay naglalayon na gamitin ang adaptive science revival strategy upang higit na mapalakas ang produktibidad ng mga magsasaka. Kami ay nagdarasal na ang proyektong ito ay maging susi namin sa pagkamit ng food security sa rehiyon,” sabi ni Orais noong Lunes, Hunyo 26, 2023.

Inilunsad ng departamento ang programa noong 2014, na kinabibilangan ng tatlong lalawigan – Samar, Quezon, at Zamboanga Sibugay bilang mga pilot areas.

Bilang pagpapatuloy sa tagumpay ng programa sa Samar, isinama ng DA ang mga bayan ng Javier at Abuyog sa Leyte bilang mga expansion area noong 2022.

Sinabi naman ni Leonarda Londina, DA Regional Chief Research Division, “The program is an adoption of Bhoochetana principles and approaches for natural resources management towards sustainable agriculture. Bhoochetana is an Indian term for soil rejuvenation”.

“The objective is to develop a program management structure and policies within the regional network, increase agricultural productivity and profitability while conserving the natural resources, enhance capacities of farmers and groups, community, and other stakeholders and to develop sustainable livelihood and enhance marketing strategies”, dagdag ni Londina.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe