Saturday, October 5, 2024

HomeNewsSimbahan sa Cebu City, tinupok ng apoy

Simbahan sa Cebu City, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang isang simbahan sa Barangay Guadalupe, Cebu City nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 21, 2022.

Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, Fire Investigator ng Cebu City Fire Office (CCFO), nagsimula ang sunog alas-9:45 ng gabi mula sa isang gusaling inookupahan ng End Times Baptist Church sa M. Velez Street. Isinailalim sa first alarm ang insidente bandang 9:50 p.m. ng mga rumespondeng mga bumbero.

Natupok din ng apoy ang isang kalapit nitong tattoo shop at isang tindahan habang bahagya namang nasira ang isa pang bahay dulot na rin ng naturang sunog.

Hindi bababa sa tatlong pamilya o 61 indibidwal ang naapektuhan ng sunog, na idineklarang under control alas-9:56 ng gabi.

Tinatayang nasa Php6.7 milyong halaga ng mga ari-arian ang napinsala sa nasabing insidente.

Samantala patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog gayundin ang may-ari ng gusali kung saan nagsimula ang sunog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe