Tuesday, December 24, 2024

HomeSportsSilay City Para Chess player, isa sa may pinakamaraming ginto sa 11th...

Silay City Para Chess player, isa sa may pinakamaraming ginto sa 11th ASEAN Para-Games 2022 sa Indonesia

Labis-labis ang pasasalamat ng Silay City Para Chess player matapos mapabilang sa mga may pinakamaraming medalya na naipanalo sa 11th ASEAN Para-Games 2022 na ginanap sa bansang Indonesia mula noong July 30 hanggang Agosto 6, 2022.

Si Sander Severino ay nanalo ng apat na ginto at dalawang silver medal mula sa individual at team category sa larong chess.

Si Severino ay isang PWD at gumagamit na lamang ng wheelchair upang makalakad. Ayon pa sa kanya, natuto siyang maglaro ng chesss mula nang siya ay bata pa dahil sa kanyang tatay na mahilig din maglaro nito.

Nakuha niya ang titulo na PD Master noong siya ay nasa high school pa matapos manalo sa isang Intercontinental competition na ginanap sa Bataan.

Nagsimula ang kaniyang karera bilang kasapi ng Philippine Team nang siya ay mapabilang sa kupunan noong 2005.

Tinatayang nasa 100 mga atleta mula sa Pilipinas ang tagumpay na lumahok sa ASEAN Para-Games ngayong taon.

Ayon pa ni Severino, sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay, mas mahikayat at mapalapit pa ang mga kabataan sa ibat ibang sports at matulungan ang mga ito lalo na sa mga nag-aaral pa para makahanap ng ibat ibang scholarship.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe