Sibilyan na pinatay ng NPA sa Calatrava, hindi military spy ayon sa Philippine Army

0
42
Screenshot

Kinumpirma ng Civil Military Officer ng 79th Infantry Battalion ng Philippine Army na hindi military spy ang sibilyang pinatay ng rebeldeng grupo ng NPA sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental nitong nakaraang Linggo, December 7, 2025.

Matatandaang unang naganap ang pamamaril dakong alas 7:05 ng umaga ng Linggo sa Sitio Tagda sa Barangay Dolis, Calatrava kung saan ang biktima ay isang 58 anyos na lalaki na kinilalang si Armando Ogdamin.

Si Ogdamin ay naghahanda lamang papuntang simbahan nang bigla na lang pinagbabaril ng anim na armadong indibidwal. Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Bunsod ng insidente, agad din nagresponde ang kapulisan ng Calatrava Municipal Police Station sa pangunguna ni Acting Chief of Police na Police Captain Jesus Alba.

Sa ibang interview, sinabi ni 1st Lt Fevie Fajardo, na hindi military spy si Armando Ogdamin at hindi na umano kailangan ng militar ng spy kaugnay sa mga rebeldeng NPA.

Dagdag pa ni Fajardo na kahit sino sa komunidad ang pwedeng magbigay ng impormasyon kung mayroong presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.

Sinabi rin ng Philippine Army na kailanman ay hindi makatarungan ang pagpaslang ng isang sibilyan kahit na ito pa man ay isang military spy.

Nauna ng inako ng New People’s Army na kasapi nila ang siyang pumatay sa nasabing sibilyan na siya ring pumaslang sa isang pulis na naunang iniulat na nawawala matapos magresponde sa nasabing insidente.

Leave a Reply