Kalibo, Aklan — Nag-umpisa na ang maulan na panahon ngayong buwan ng Disyembre dulot ng shear line na nakaapekto sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Western Visayas, at Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, mahigit dalawang dosenang probinsya ang makakaranas ng mahina hanggang sa malakas na ulan, kabilang ang mga lugar sa Calabarzon, Bicol, Metro Manila, Bulacan, Negros Occidental, at Cebu.
Ang shear line ay nabubuo kapag nagtatagpo ang malamig na hangin mula sa northeast monsoon o amihan at ang mainit na hangin mula sa easterlies ng Pacific Ocean.
Sa babala ng PAGASA na inilabas ngayong ika-2 ng Disyembre 2024, binalaan ang publiko sa posibleng pagbaha at landslide, lalo na sa mga lugar na malapit sa hazard-prone areas.
Ang mga residente ay pinapayuhang maging alerto at patuloy na magmonitor sa lagay ng panahon.
Patuloy namang pinaghahandaan ng mga ahensya ng gobyerno ang epekto ng masamang panahon sa pamamagitan ng maagap na pagtugon at pagbibigay ng tamang impormasyon para sa kaligtasan ng lahat.
SOURCE: K5 News FM