Wednesday, January 8, 2025

HomeNewsSerbisyo ng Barge para sa mabibigat na sasakyan sa pagitan ng Leyte...

Serbisyo ng Barge para sa mabibigat na sasakyan sa pagitan ng Leyte at Biliran, nagsimula na

Nagsimula noong Sabado, Enero 4, 2025, ang operasyon ng barge na magsasakay ng mabibigat na sasakyan mula sa Leyte patungong Biliran. Ang serbisyong ito ay isinagawa gamit ang ASC LCT Susan na mula pa sa Cebu.

Ang barge ay magsasakay ng mga sasakyang may bigat na higit sa 5 tonelada, alinsunod sa ipinatupad na limitasyon sa bigat ng sasakyan na pinapayagang dumaan sa Biliran Bridge. Ang limitasyong ito ay ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Biliran Engineering District matapos mapansin ang ilang sirang bahagi ng tulay sa kanilang isinagawang assessment.

Ayon kay Gobernador Gerard Roger Espina, ang pamahalaang panlalawigan ang magbabayad ng buwanang renta ng barge gamit ang pondo mula sa calamity fund. Samantalang ang gastos sa gasolina ng barge ay kukunin mula sa bayad ng mga sasakyang gagamit ng serbisyo sa pagtawid mula Leyte patungong Biliran at mula Biliran patungong Leyte.

Upang matiyak ang maayos na operasyon, iniutos ni Gobernador Espina sa Task Force Biliran Bridge na magtatag ng Incident Command System na mangunguna sa araw-araw na operasyon ng Biliran Bridge.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe