Tuesday, July 2, 2024

HomeSend-off Ceremony ng PNP Personnel para sa RCSP, isinagawa sa Calbayog City

Send-off Ceremony ng PNP Personnel para sa RCSP, isinagawa sa Calbayog City

Matagumpay na isinagawa ang Send-Off Ceremony ng PNP personnel para sa Retooled Community Support Program o RCSP sa Convention Center sa Brgy. Capoocan, Calbayog City noong Hunyo 16, 2023.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Calbayog CPS sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ericson N Del Rosario, Chief of Police, Fr. Antonio Mahinay Jr, Brgy Chairperson, City Counsilors at City Mayor Hon. Raymund C Uy.

May 111 na PNP personnel na mula sa rehiyon na itatalaga sa 9 na mga barangay sa Calbayog City. Ito ay ang Brgy Cagbanyacao, Palanogan, Sinantan, Victory, Tabawan, Osmena, Villahermosa, Jimautan at Tanval na malugod namang tinanggap ng mga Brgy Chairperson.

Sa mensahe ni Hon Uy, ipinaabot niya ang taos pusong pasasalamat sa walang humpay na dedikasyon at sakripisyo ng mga kapulisan. Ang inyong pangako sa komunidad ay nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat at ang inyong mga kontribusyon ay lubos na papahalagahan.

Dagdag pa ni Uy, “Sumulong tayo, magkahawak-kamay, tungo sa kinabukasan kung saan naghahari ang kapayapaan, at kung saan naisasakatuparan ang mga mithiin ng bawat indibidwal”.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe