Saturday, November 23, 2024

HomeNewsSenator Raffy Tulfo, magbibigay ng Php500,000 Reward sa suspek sa pagpatay sa...

Senator Raffy Tulfo, magbibigay ng Php500,000 Reward sa suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Catbalogan City

Magbibigay ng Php500,000 reward si Sen. Raffy Tulfo at Cong. Ralph Tulfo kung sino ang makakapagbigay ng impormasyon at makaresolba sa kaso hinggil sa nangyaring patayan sa Catbalogan City.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang pagkamatay ng mag-iina na pinatay sa labas ng kanilang tahanan, kung saan ang mga biktima ay kinilalang sina Rhea Oreo at ang kanilang mga anak na sina Edison Candis, 5- months at Andrea Casilbas, 3 taong gulang at residente ng Brgy. Pupua, Catbalogan City, Samar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Pulisya na umani ng sampung (10) saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Rhea, habang ang kanyang dalawang anak ay binugbog hanggang mamatay.

Ayon sa pagtatanong ni Senador Tulfo kay Punong Barangay Zosimo Basal, wala pang naiulat na may kaaway ang mga biktima at walang naitalang blotter na tinuligsa o isinampa laban sa kanila sa barangay.

Ngunit ayon sa salaysay ni Kapitan Basal kay Senador Tulfo, ganoon din ang nangyari sa ama ni Rhea na si Rodolfo alyas “Kalbo” na pinatay sa parehong lugar noong taong 2021 at hanggang ngayon ay ‘unresolved’ ang kaso.

Samantala, sa kaparehong panayam, sinabi ni Editho (asawa ng biktima) kay Senator Tulfo na mayroong dalawang katao ang natukoy nilang persons of interests. Isa dito ay si Rolando Basal – ang orihinal na may-ari ng lupang kanilang binabantayan.

Pangalawa ang pamangkin ni Rolando na may problema sa utak na nakakalabas at nakapasok sa nasabing tahanan.

Pero dahil sa kapatid ni Rhea na si Rixan Oreo at sa tiyuhin nitong si Ner, dapat ding idagdag sa listahan ng mga persons of interest ang asawa niyang si Editho.

Sa pahayag ni Editho, handa siyang kumuha ng lie detector test para mapatunayang inosente siya.

Sa isa pang pahayag, sinabi ni PMaj Niño Cabañas Catbalogan, Chief of Police na iniimbestigahan nila ang anggulong ito at lahat ng impormasyon na makukuha nila para malutas ang kaso.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe