Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesSenator Lapid, tinitiyak ang pondo para sa Night Rating ng Calbayog Airport

Senator Lapid, tinitiyak ang pondo para sa Night Rating ng Calbayog Airport

Nangako si Senator Lito Lapid na popondohan ang Php150 milyong kinakailangan para sa pagpapahusay ng Calbayog Airport upang magamit ito sa mga night operations. 

Sa isang panayam noong Huwebes Agosto 8, 2024, sinabi ni Lapid, na bagong chair ng Senate Tourism Committee, na ang Tourism Enterprise Zone Authority (TIEZA) ay naglaan na ng Php50 milyon para sa proyekto. 

Ang pagpapahusay para sa night operation ay kinabibilangan ng pagtatayo at pagbili ng mga navigational facilities at kagamitan.

“Nang dumating kami sa Calbayog Airport, nakita namin ang pangangailangang maglagay ng night landing facilities upang ang mga tao, katulad ng aming grupo, ay hindi na kailangang bumiyahe ng limang oras patungong Tacloban City para lang makahabol sa mga night flights,” sabi ni Lapid sa mga mamamahayag.

Nasa Samar si Lapid upang masaksihan ang pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap na pamilya sa Calbayog City at sumali sa ilang mga aktibidad sa Tandaya Festival ng Samar sa Catbalogan City.

Sinabi niya na balak niyang siguruhin ang Php150 milyong pondo para sa lighting project ng paliparan sa susunod na taon.

Ayon naman sa anak ng senador na si Mark Lapid, na siya ring chief operating officer ng TIEZA, hinihintay na lamang nila ang technical specifications mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines upang masimulan ang proyekto.

Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng night-landing capabilities sa mga paliparan ay nagbibigay ng flexibility para sa mas maraming flight options para sa mga biyahero.

Tatlong beses sa isang linggo naglalakbay ang Philippine Airlines mula Manila patungong Calbayog, habang apat na beses naman sa isang linggo mula Cebu patungong Calbayog ang Cebu Pacific. 

Ang paliparan, na nagsisilbi sa mahigit 2,000 pasahero bawat buwan, may runway na may haba na 2,100 metro at kinikilala ng CAAP bilang isang minor domestic airport.

Panulat ni Cami

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe