Nanawagan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga awtoridad na protektahan ang mga tauhan ng media sa gitna ng mga ulat ng media killings sa bansa.
Si Go ay nasa Cebu noong Huwebes, Oktubre 20, 2022, upang bigyang-diin ang ikatlong batch ng pamamahagi ng cash aid para sa mga biktima ng baha sa Mandaue City, Cebu.
Sa kanyang pahayag, hinimok niya ang mga awtoridad, tulad ng pulisya, militar, at National Bureau of Investigation (NBI), na protektahan ang mga taga-media sa lahat ng posibleng paraan.
Kung maaalala, binaril ang radio broadcaster na si Percy Lapid sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi, Oktubre 3, 2022.
Si Mabasa ang pangalawang mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Noong Setyembre 18, ang radio broadcaster na si Rey Blanco sa Negros Oriental ay pinagsasaksak hanggang sa namatay.