Eastern Samar – Kasama si Senator Christopher Lawrence “Bong” T Go sa isinagawang Livelihood Assistance Grant (LAG) Distribution noong Huwebes, Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa Eastern Samar PPO Covered Court, Camp Francisco Asidillo, Borongan City, Eastern Samar.
May kabuuang 328 recipients ang nabigyan ng tulong sa nabanggit na aktibidad, ito ay ang 93 Former Rebels (FRs), 194 Peace Builders Group (PBG) members, at 41 replacement/qualified beneficiaries na pinili ng LGU’s.
Dagdag pa, ang 10-anyos na batang babae na nasugatan sa pag-atake ng CTG sa Brgy. Dorillo, Jipapad noong Oktubre 7 ay binigyan ni Senator Bong Go ng isang wheel chair.
Binigyan din ng monetary support ang naulilang pamilya ng isa sa dalawang AFP personnel na Killed in Action (KIA) mula sa mapagbigay at mabait na senador.
Ang iba pang mga highlight ng aktibidad ay ang raffle draw ng tatlong unit na bisikleta, pagbibigay ng isang unit na Smartphone, pamahagi ng wrist watches, pagbibigay ng sunglasses sa mga masuwerteng benepisyaryo at pamamahagi ng mga basketball at volleyball.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Governor Ben P Evardone, Vice Governor Maria Caridad Sison-Goteesan, PCol Matthe L Aseo, Provincial Director ng Eastern Sama PPO, G. Philip Salvador at ilang matataas na opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines, at mga opisyal mula sa Department of Social Welfare and Develpment.