Tuesday, December 31, 2024

HomeNewsSeguridad sa Bacolod-Silay airport, mas pinaiigting kasunod ng natanggap na bomb threat

Seguridad sa Bacolod-Silay airport, mas pinaiigting kasunod ng natanggap na bomb threat

Mas pinaiigting pa ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Unit-Western Visayas ang pagpapatupad ng seguridad sa buong paliparan ng Bacolod-Silay Airport sa lalawigan ng Negros Occidental matapos umanong makatanggap ng bomb threat via email ang Civil Aviation Authority of the Philippines noong Oktubre 6, 2023.

Ayon kay Police Major Deejay Domingo, Hepe ng Bacolod-Silay Airport Police Station, nakikipagkoordinasyon na sila sa CAAP sa striktong pagpapatupad ng mga kaukulang security measures sa nasabing paliparan.

Aniya, “We are implementing continuous monitoring. Our troops are on standby with the security forces of CAAP. We have a K-9 unit. A bomb technician has also arrived to help us secure the airport.”

Dagdag pa rito na pinapatupad na rin nila ang double security checks para sa mga paparating na pasahero kasabay ng mga random patrol operation at perimeter security inspection.

Umapela naman ang mga awtoridad na iwasan ang pagbibigay ng bomb jokes partikular na sa airport sapagkat makakapagdulot lamang ito ng tunay na abala sa mga pasahero gaya ng pagkakadelay ng mga flight. At maaari din itong maging dahilan o batayan upang sila ay makulong o magbayad ng karampatang penalty.

Samantala, inilalagay naman ng CAAP sa heightened security alert ang nasa 42 commercial airport sa buong bansa kaugnayan sa nasabing bomb threat.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe