Labing pitong taon na ang nakalipas nang inaresto si Edgar Sarsuella Ong sa kasong pagpatay ngunit ito ay nakalabas sa kulungan.
Nagsimula siya ng bagong buhay, at nagtatrabaho na bilang isang security guard. Gayunpaman, babalik sa kulungan ang 38-anyos na residente ng Barangay Mohon, Talisay City, Cebu matapos itong mahuling nasangkot sa ilang insidente ng armed robbery.
Bago nahuli si Ong, dalawang babae ang nagsumbong sa Talisay City Police Station alas-12:30 ng tanghali. Sabado, Hunyo 11, na magkahiwalay na ninakawan ng isang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo na nakasuot ng dilaw na sando at itim na helmet.
Ang unang biktima ay si Cindy Camacho Ababon, na nagsabing siya ay ninakawan alas-11 ng umaga sa Barangay Bulacao. Makalipas ang tatlumpung minuto, nabiktima rin si Jenelyn Nuñez Repunte, 32, ng kaparehong armadong tulisan sa Barangay Tabunok.
Naglunsad ng follow-up operation ang pulisya at nakilala si Ong sa kuha ng security camera mula sa mga establisyimento sa mga lugar kung saan naganap ang mga nakawan. Kalaunan ay inaresto ng pulisya si Ong.
Narekober sa suspek ang mga cellphone na pag-aari ng mga biktima. Nakuha rin kay Ong ang isang .38 revolver.
Positibo ring kinilala ng isa pang biktima mula sa Barangay San Roque, Talisay City si Ong bilang isang magnanakaw.
Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1931765/cebu/local-news/jailed-for-murder-17-years-ago-security-guard-back-in-jail-for-robbery-in-talisay