Umuusad na ang ikalawang phase ng konstruksyon ng Calbayog Airport by-pass road ayon sa DPWH – Samar First District Engineering Office.
Ang nasabing proyekto ay may pundong Php69.12 million mula sa General Appropriations Act (GAA) for FY 2023.
“This road is built in addition to its initial road construction (phase I) which will span 0.761 lane km. and width of 6.7 meters. It will also include a stone masonry of 547.50 linear meters in length and 30 solar LED lights that will be installed along the road.” ayon sa DPWH Samar 1st DEO sa isang panayam nitong Martes, Agosto 29, 2023.
Ang naturang proyekto na sinimulan noong 2022 ay target matapos sa taong 2025 na magsisilbing alternatibong ruta at upang maibsan ang trapiko kung magdesisyon na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isara ang Daang Maharlika sa Brgy. Trinidad upang bigyang daan ang pagpapalawak sa Calbayog City Airport.