Nagsagawa ng Search and Rescue Operation ang Alabel Municipal Police Station sa Barangay Ladol, Alabel, Sarangani nitong Lunes, Abril 4,2022.
Sa pangunguna ito ni PLt Akmad Omar Diocolano, Deputy Chief of Police for Operation kasama and MDRRMO at Fire Personnel sa mga apektadong barangay partikular sa Barangay Ladol.
Ang pagbaha sa nasabing lugar ay nagresulta sa paglikas ng ilang mga tao sa barangay.
Tumulong din ang mga tauhan ng Alabel Municipal Police Station sa pag aayos ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Source: Alabel Mps Pcr