Sunday, November 24, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesSeal of Good Local Governance, iginawad sa 9 na barangay sa Cebu

Seal of Good Local Governance, iginawad sa 9 na barangay sa Cebu

Siyam na barangay sa probinsya ng Cebu ang pumasa sa 2021 Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kabilang dito ang mga barangay ng Budla-an sa Cebu City, Bankal sa Lapu-Lapu City, Tugas sa bayan ng Madridejos, Subangdaku, Tabok, at Pakna-an sa Mandaue City, To-ong at Calambuq sa bayan ng San Remegio, at Mohon sa Sogod.

Ang nasabing mga barangay ay pumasa batay sa anim na indicators na itinakda ng DILG partikular sa peace and order, financial administration and sustainability, disaster preparedness, social protection and sensitivity, business-friendly and competitiveness at environmental management.

Lubos naman itong ikinatuwa ni Barangay Captain Eduardo Cuizon, na siya ring Presidente ng Association of Barangay Captains mula sa Lapu-Lapu City, sa naturang pagkilala.

“Siyempre masaya at least narecognize among effort para ma-recognize ang mabuting pagdala sa Barangay Bankal,” ani Cuizon.

Source | https://www.sunstar.com.ph/article/1933500/cebu/local-news/9-barangays-in-cebu-get-seal-of-good-governance

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe