Thursday, January 23, 2025

HomeJob OpeningsSan Juanico Project, inaasahang lilikha ng maraming oportunidad sa larangan ng turismo...

San Juanico Project, inaasahang lilikha ng maraming oportunidad sa larangan ng turismo sa Eastern Visayas

Ilang dekada matapos ang konstruksyon ng tinaguriang isa sa pinakamahabang tulay sa Silangang Asya, ginanap ang makasaysayang Spark San Juanico Aesthetic Light & Sound Show noong kagabi ng Miyerkules, Oktubre 19, 2022 sa San Juanico Bridge sa Sta. Rita, Samar.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang nanguna sa switch-on lighting ceremony sa nasabing tulay kasama ang iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Isang makasaysayang gabi ang ating nasaksihan sa pagpapailaw natin sa San Juanico Bridge. Bilang isa sa mga kilalang proyekto ng aking ama, isang karangalan para sa akin na pangunahan ang pagpapailaw nito sa aking administrasyon. Hangad ko sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad na mas dadami ang mahihikayat nating mga turista at mas sisigla ang ating ekonomiya” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa panayam kay Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) Chief, Mark Lapid, kinumpirma nitong nasa P80 Million ang pondo na iginugol ng gobyerno para sa nasabing proyekto.

Giit pa ni Lapid, nasa kamay na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ang pangangalaga dito kasama na ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa inaasahang maintenance nito.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Samar 2nd District Rep. Reynolds Michael Tan na una nang naglaan ng P6 million na pondo ang lalawigan ng Samar para sa pagpapailaw at maintenance ng nasabing tulay.

Naniniwala naman si Samar Governor, Sharee Ann Tan na malaki ang gagampanang papel nito sa pagpapalakas ng turismo tungo sa layuning economic transformation na pangunahing agenda ng administrasyong Marcos.

Ang San Juanico Bridge na may habang 2.16 kilometro na nagdurugtong sa lalawigan ng Samar at Leyte ay itinayo noong taong 1969 hanggang 1973 sa pamamagitan ng Japanese Official Development Assistance na nagkakahalaga ng $21.9 million sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe