Friday, January 24, 2025

HomeFood & DelicaciesSan Carlos City pride, itinampok ang pagkaing pinoy sa London

San Carlos City pride, itinampok ang pagkaing pinoy sa London

Itinampok ng isang Chef mula sa San Carlos City, Negros Occidental ang mga pagkaing pinoy sa World Cook Competition sa London na ipapalabas ngayong darating na Disyembre 2022.

Si Cristina Jade Batusin, 41 taong gulang ay nakapag-asawa kay Stephen Collin na kasalukuyang naninirahan sa timog na bahagi ng France.

Si Cristina ay nakapasok bilang isa sa 16 na kalahok sa “The World Cook” isang cooking show na ipapalabas sa Amazon Prime at BBC UK.

Sa kanyang panel audition, itinampok ni Batusin ang Ginataang Hipon na may kalabasa at sili (Chili) habang itinampok niya pa ang iba pang pagkaing Bisaya sa kasagsagan ng kompetisyon.

Ayon pa ni Cristina, ang pagsali niya sa kompetisyon ay nagbukas ng iba’t ibang oportunidad para sa kanya, kabilang na ang imbitasyon sa Masterchef France, internship sa isa sa mga sikat na British celebrity chefs, sina Gordon Ramsay at Jamie Oliver, at dagdag pang mga kliyente.

Samantala hinimok nya rin ang kapwa niya Sancarloseños at ang lahat ng mga Pilipino na i-follow ang kanyang Instagram account na @aupetitcebu at ilike ang iba’t ibang Filipino food na naipost niya upang mas mabigyang pansin ang mga ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Si Cristina ay kasalukuyan ding parte ng Amandine Chefs, kung saan nagtatrabaho siya bilang isang private chef tuwing summer at winter. Siya rin ang may-ari ng catering company na Petit Cebu na nagtitinda ng Paklay, Escabeche, at Lumpia.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe