Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsSAMELCO, nakatanggap ng Php1 Million US Dollar Grant mula sa European Union...

SAMELCO, nakatanggap ng Php1 Million US Dollar Grant mula sa European Union para sa pagtatayo ng 1MW Solar Power Plant

Ang 1MW Rural Network Solar Project na nagkakahalaga ng Php1 Million US Dollar ay isang grant mula sa European Union sa ilalim ng Access to Sustainable Energy Program – Rural Network Solar (ASEP-RNS) na pinamamahalaan ng World Bank.

Upang simulan ang pagtatayo ng 1MW Solar Power Plant, ang Groundbreaking Ceremony ay isinagawa noong 13 March 2023 sa SAMELCO I Headquarters Brgy. Carayman, Calbayog City, Samar.

Ito ay dinaluhan ng SAMELCO I Board of Directors, Management at Employees sa pamumuno ni Board President Engr. Arcadio C. Olaje at OIC-General Manager Larry O. Dawisan, CPA kasama sina Dir. Leonardo B. Piczon, Jr, Dir. Oscar B. Tabaranza at Dir. Melinda G. Briones; mga kinatawan ng World Bank sa pangunguna ni Ms. Marivi Amor J. Ladia, Social Development Specialist at Ms. Ma. Luisa P. Martinez, Environmental Safeguards Consultant at Pangalawang Pangulo ng National Power Corporation, Atty. Rogel T. Teves; Godofredo B. Magpoc, Jr., Project Director at staff kasama ang Project Contractors – mga kinatawan mula sa JV Gendiesel Phils Inc. & Roofsol Energy Pvt. Ltd.

Ang SAMELCO ay nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat bilang isa sa apat na nakatanggap mula sa Pilipinas na napili para sa nasabing grant.

Ang konstruksyon ng Grid-Tied Solar Power project ay magsisimula ngayong buwan at ito ay inaasahang matatapos sa Hunyo 30, 2023.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe