Ang lokal na pamahalaan ng Paranas, Samar, ay makakatipid ng Php15 milyon sa mga gastos sa kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng solar power upang magbigay ng enerhiya sa kanilang municipal hall, na siyang ikalawang opisina ng gobyerno sa lalawigan na pinapalakas ng renewable energy.
Ayon sa non-government organization na Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), ito ang net lifetime savings matapos maisa-activate ang 48-kWp (kilowatt peak) smart hybrid solar PV (photovoltaic) system.
Ang PV system ay binubuo ng isa o higit pang mga solar panel na pinagsama sa inverter at iba pang electrical at mechanical na kagamitan na gumagamit ng enerhiya mula sa araw upang makagawa ng kuryente.
Ang 48-kWp smart hybrid solar PV system ay tumutukoy sa pinakamataas na power output ng isang solar panel system sa ilalim ng ideal na kondisyon. Ito ay sapat upang magbigay ng kuryente sa humigit-kumulang 30 hanggang 35 rural households na may average na konsumpsyon ng kuryente na 200 kilowatt-hours bawat buwan.
“Ang Paranas ay muli na namang magsisilbing inspirasyon sa maraming munisipalidad at siyudad sa Eastern Visayas at sa buong Pilipinas – isang modelo na nagpapahalaga sa mas malinis at mas sustainable na mga pinagkukunan ng enerhiya para sa hinaharap ng kanilang komunidad,” pahayag ni Angelo Kairos dela Cruz, executive director ng ICSC, sa isang pahayag noong Biyernes Abril 4, 2025.
Ipinasa ng ICSC ang proyekto at nilagdaan ang deed of donation noong Marso 26 matapos ang ilang buwan ng installation.
Ang bayan ng Paranas ay ipinrioritize para sa mga lokal na hakbang tungo sa energy transition simula pa noong 2019, nang mag-adopt ito ng solarized rooftops sa mga pampublikong gusali nito, kabilang ang evacuation center, materials recovery facility, ilang mga pampublikong paaralan, at isang barangay health center.
Ang hybrid solar PV installation sa municipal hall ay ang pangalawang solar project ng munisipalidad na isinagawa sa pakikipagtulungan sa ICSC, kasunod ng solarization ng rural health unit nito noong nakaraang taon.
Ang pakikipagtulungan ng ICSC at ng lokal na pamahalaan ng Paranas para sa proyektong hybrid solar PV installation ay naging pormal sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement na nilagdaan noong Oktubre ng nakaraang taon.
Panulat ni Cami
Source: PNA