Friday, November 22, 2024

HomeNewsRural road, pinondohan ng mga dayuhan upang palakasin ang industriya ng niyog...

Rural road, pinondohan ng mga dayuhan upang palakasin ang industriya ng niyog sa Leyte

Leyte – Nakumpleto na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kauna-unahang foreign-funded farm-to-market road (FMR) sa ilalim ng Rural Agro-Enterprise Partnership for Inclusive Development and Growth (RAPID Growth) project sa Jaro, Leyte.

Ang road rehabilitation project ay inaasahang magpapalakas sa industriya ng niyog sa ilang mga nayon sa bayan ng Jaro, na magbibigay ng kaginhawaan sa 833 magsasaka sa mga lalawigan, ani DTI Eastern Visayas regional director Celerina Bato.

“Ang pagsasakatuparan ng proyekto ng FMR ay magpapagaan sa pag-access at transportasyon ng mga raw materials mula ng mga magsasaka patungo sa merkado at mabawasan ang oras ng paglalakbay at mga gastos sa transportasyon at micro small and medium enterprises (MSMEs), na makapagbibigay ng mas malaking kita,” sinabi ni Bato nitong Lunes, Mayo 22, 2023.

Ang rehabilitasyon at pagpapabuti ng dalawang kilometrong Tinambacan FMR sa bayan ng Jaro, ayon kay Bato, ay ang kauna-unahang proyekto ng FMR sa Eastern Visayas at sa buong Pilipinas na nagsimula sa pagpapatupad nito sa iba pang RAPID Growth-implementing regions.

Ang Php30-million na proyekto, na nagsimula noong Hunyo 2022 ay malaki na ang natapos at nakatakdang i-turnover sa lokal na pamahalaan sa susunod na buwan, ayon kay Bato.

Ang rehabilitasyon ng kalsada ay katuwang ang Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, at ng lokal na pamahalaan ng Jaro.

Ang kalsada ay papakinabangan ng mga nayon ng Tinambacan, Uguiao, Rubas-Crossing, Pitogo, Daro, Kalinawan, at Canapuan sa bayan ng Jaro.

Ang proyekto ay bahagi ng Php2.3 bilyon na inisyatiba na pinondohan ng International Fund for Agricultural Development.

Nilalayon ng RAPID Growth na isulong ang mga negosyo sa pagpoproseso na nakabatay sa agrikultura at mga pamayanang pangnegosyo upang maging makabago, produktibo, at mapagkumpitensya upang matugunan nila ang mga global challenges and demands.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe