Pinasinayaan at pormal na na-iturn over ang 4.27-kilometrong bahagi ng kalsada sa kahabaan ng Mondragon hanggang Silvino Lubos at ang pagtatayo ng 150-meter Solong Bridge, Phase 4 sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program sa Bgy. Solong, Silvino Lubos noong Huwebes, Hunyo 23, 2022.
Inaasahang mapapakinabangan ang Php295-milyon na proyekto ng mga taga-Silvino Lubos na dati’y nagbibiyahe sakay ng bangka ng halos anim o walong oras upang makarating sa Pambujan na nag-uugnay sa bayan sa ibang bahagi ng lalawigan.
Ang seremonya ng pagbubukas ng kalsada ay pinangunahan ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan; PAMANA National Project Management Office Head at Executive Director ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Dir. Cesar de Mesa; 1st District Rep. Paul Daza; Silvino Lubos Mayor Leo Jarito;Â 803rd Infantry Brigade Commander Col. Perfecto Penaredondo; Engr. Jesus Jeremy Bagares ng DILG; Region 8 Director Atty. Arnaldo Escober Jr., at iba pang opisyal at mga kinatawan ng PAMANA Provincial Management Team.
Source: Northern Samar Provincial Information Office FB Page | https://web.facebook.com/NorthernSamarPIO/posts/pfbid02f7VMoCsVY58uceDRmnxfB5hotNapZrGvDULrsJX81PudzD3sUar83krXWeeMYbzQl