Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsRider, patay matapos madaganan ng isang 10-wheeler truck sa Jiabong, Samar

Rider, patay matapos madaganan ng isang 10-wheeler truck sa Jiabong, Samar

Samar — Nasawi ang isang motorista matapos madaganan ng tumagilid na nakasalubong nitong 10-Wheeler Truck bandang 6:40 ng umaga, February 17, 2023 sa vicinity ng City Homes sa bayan ng Jiabong.

Ang biktima ay kinilalang si Efren J. Quilloza ng Brgy. Maligaya, Jiabong, Samar, na noon ay patungo sa kanilang opisina sa Catbalogan City samantalang ang truck ay sa direksyon patungong Tacloban City ng mangyari ang insidente.

Sa report ng Jiabong PNP, ang truck ay isang Isuzu Gigamax Wingvan, color green na may plate number CBJ 4549 registered under Karina Pandong Pajarito ng P-5 Brgy. San Joaquin, Tinambacan District, Calbayog City.

Nahirapan ang mga rescuer ng Jiabong Emergency Response Team, Catbalogan City Rescue, at ng Bureau of Fire Protection mula sa Catbalogan City at Jiabong, Samar sa pagkuha sa katawan ni Quilloza sa ilalim ng truck.

Naroon din ang mga kapulisan ng Jiabong at ilang miyembro ng Kabalikat CiviCom upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang pagkuha sa katawan ng biktima.

Kusang sumuko sa Jiabong PNP ang driver ng truck na si Ramon N. Rega Sr. of Brgy. Payahan Calbayog City, samantalang nangako naman ang may-ari ng truck na tutulong sa mga gastosin ng pamilya para sa bangkay ng biktima at magbibigay din ito ng ayuda sa naulila ng biktima.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe