Thursday, November 7, 2024

HomeNewsRescue Operation sa pananalasa ng Bagyong ‘Kristine’, pinangunahan ng PNP sa Northern...

Rescue Operation sa pananalasa ng Bagyong ‘Kristine’, pinangunahan ng PNP sa Northern Samar

Pinangunahana ng mga tauhan ng 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 ang isinagawang Disaster Search, Rescue, and Retrieval Operations sa mga residente ng Mondragon, Northern Samar noong Oktubre 22, 2024. 

Pinangunahan ito ni Police Captain Solomon A Agayso, kasama ang Mondragon Municipal Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Mondragon.

Ang operasyon ay isang pagpapakita ng pagtutulungan ng mga kapulisan at residente upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Sa kabila ng matinding pag-ulan at malakas na hangin na dulot ng bagyong Kristine, nagtulungan ang mga kapulisan sa paglikas ng mga residenteng apektado ng kalamidad.

Ang PNP ay patuloy na naghahikayat ng pakikiisa at pakikipagtulungan ng komunidad upang maging mas ligtas at handa sa anumang sitwasyon. 

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe