Mabilis na isinagawa ng DSWD Negros Island Region ang pagpapadala ng mga relief items, katuwang ang Philippine Air Force (PAF), bilang agarang tugon sa mga pamilyang maaapektuhan sa rehiyon ng Tropical Storm #TinoPH.
Nasa kabuuang 1,200 kahon ng family food packs (FFPs), 50 sleeping kits at 50 kitchen kits ang sama-samang ipinadala sa bayan ng Hinoba-an, Negros Occidental nito lamang Lunes (Nobyembre 3).

Sa pamamagitan ng whole-of-government approach, mas natitiyak ang maagap na paghahatid ng tulong at pinabilis na aksyon para sa ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking may sapat na suplay ng pagkain at maagap na kumikilos ang buong pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.