Relief at rescue operations, muling isinakatuparan ng 8 ID habang nanalasa si Bagyong Uwan sa Eastern Visayas

    0
    258

    Muling naglunsad ng relief at rescue operations ang mga tauhan ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division ng Philippine Army nitong November 9, 2025, sa mga residente na kasalukuyang apektado sa pananalasa ni Super typhoon Uwan sa Eastern Visayas.

    Bagaman at hindi direktang naglandfall si Bagyong Uwan sa Eastern Visayas, nagdulot pa rin ito ng matinding pagbaha sa iilang mga bayan sa rehiyon, partikular na sa mga probinsya ng Samar Island.

    Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ng mga Local Government Units (LGUs), nakapagdeployvagad ang 8ID’s Task Force Ayuda ng mga tauhan at mga sasakyan at kagamitan upang tumulong sa paglikas ng mga residente.

    Namahagi rin ang grupo ng mga relief goods, at nakiisa rin sa mga isinagawang clearing operations sa mga pangunahing kalsada upang mapanatiling ligtas ang mga daanan ng mga maghahatid ng karagdagang tulong sa mga binagyong komunidad.

    Katuwang ang Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga local DRRMCs, patuloy na sinisiguro ng grupo ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan habang hindi pa nakaalis ang bagyo sa bansa.