Labis-labis ang tuwa ni Justin Adrien Gautier Togonon ng makita niya ang kanyang pangalan sa opisyal na listahan ng mga pumasa sa kakalabas lamang na resulta ng 2022 Physician Licensure Examination na ginanap nitong buwan ng Oktubre.
Hindi lamang sya pumasa kundi nakuha pa niya ang Rank 1 sa naturang Licensure Examination kung saan nakakuha ito ng 89% na rating.
Si Togonon ay nagmula sa bayan ng Tigbauan sa Iloilo. Siya ay alumni ng Philippine Science High School System Western Visayas Campus.
Nagtapos naman si Togonon sa University of the Philippines Manila, College of Medicine bilang Magna Cum Laude.
Samantala, ayon sa Professional Regulation Commission tinatayang nasa 3,826 takers lamang ang pumasa sa kabuuang 5,958 examinees na kumuha ngayong 2022 Physician Licensure Examination
Habang nakuha naman ng Angeles University Foundation mula sa Angeles City, Pampanga ang pinakamataas na passing rate ng mga paaralan sa buong bansa, kung saan lahat ng 51 examinees nito ay pumasa sa nasabing licensure examination.