Nagkaroon ng meeting si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6 Regional Director Melvin Estoque kasama si Atty. Gaudioso P. Geduspan II, OIC-Regional Director ng Land Transportation Office (LTO) Region 6, nitong ika-3 ng Setyembre sa tanggapan ng LTO 6 upang pag-usapan ang nakatakdang pagpapatupad ng regionwide drug testing.
Layunin ng pulong na ito ang planong pag-conduct ng random drug tests sa ilang transport terminals at mga tanggapan ng pamahalaan, kasama ang mga Local Government Units (LGUs), Department of Health (DOH), at Philippine National Police (PNP).
Bahagi ito ng isang multi-agency collaboration na naglalayong masiguro na ligtas sa ilegal na droga ang mga empleyado ng mga transport operators.
Sinusuportahan ng LTO 6 sa pangunguna ni Director Gaudioso Geduspan II ang programa ng PDEA upang maisulong ang isang drug-free na kapaligiran sa sektor ng transportasyon sa buong Western Visayas.
Source: Radyo Pilipinas Iloilo
Panulat ni Justine