Monday, December 16, 2024

HomePoliticsGovernment Updates‘Purok Resilience’ Program ipapatupad ng Iloilo Provincial Government

‘Purok Resilience’ Program ipapatupad ng Iloilo Provincial Government

Iloilo City- Ipapatupad ng Iloilo Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Civil Defense Service of the Province o ProCid Serv Iloilo, ang “Purok Resilience Program” na naglalayong magkaroon ng small-scale, socialized, at localized housing program para sa mga residenteng nakatira sa hazard zones sa probinsya.

Ito ay ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sa kanyang Executive Order 333 na inisyu nitong ika-22 ng Hulyo 2022. Anya: “The province shall implement the Purok Resilience Program, a socialized and localized housing program, and likewise a climate change response that shall relocate residents exposed to natural and other related hazards.”

Sa ilalim ng programa, ang probinsya ng Iloilo ang siyang manguna sa paghahanap ng mga lugar (site) at service development para sa mga isasagawang pabahay bilang bahagi sa localized housing project para sa mga benepisyaryo nito na kwalipikado sa ilalim ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992.

Kabilang din sa gagawin ang pagkakaroon ng Purok Resilience sa mga barangay na magsisilbing resettlement areas para sa mga residente na kailangang ilikas sa mga delikadong lugar. Ito ay ipapatayo sa mga lugar na pag-aari ng probinsya, pagmamay-ari o idinonate ng mga convergent partners ng naturang programa.

Dagdag pa ni Governor Defensor na ang mga benepisyaryo ay maaari lamang mga residente na mga underprivileged at prayoridad ang mga nakatira sa delikadong bahagi ng probinsya na kailangan ng ilikas.

Pangunahan ang naturang programa ng National Housing Program ng pamahalaan sa ilalim ng RA 7279 na ipapatupad naman ng ProCid Serv Iloilo katuwang ang ibat ibang concerned national government agencies, local government units, non-government organizations, socio-civic organizations, religious organizations, media, netizens, at ang business sector.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe