Thursday, December 26, 2024

HomeNewsPunong Barangay patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspetsado sa...

Punong Barangay patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspetsado sa Carles, Iloilo

Carles, Iloilo- Patay ang isang Barangay Captain matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspetsado sa Brgy. Abong, Carles, Iloilo nitong gabi ng Hunyo 12, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad, ang biktima na si Jose Mercurio Marcelo, 74 anyos at Barangay Captain sa nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakaangkas lamang ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng Barangay Tanod na si Pio Juanillo pauwi sa kanyang bahay nang bigla na lang itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek lulan din ng isang motorsiklo.

Dinala pa ang biktima sa Jesus Colmenares District Hospital ngunit indineklara rin itong dead on arrival.

Kasalukuyan  pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan sa pagkakakilalan ng mga suspetsado at hinimok ang publiko na makipagtulungan at ireport sa mga operatiba sakaling may impormasyon sa mga salarin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe