Friday, November 8, 2024

HomeNewsPulis pinagbabaril, patay sa Calbayog City Samar

Pulis pinagbabaril, patay sa Calbayog City Samar

Isang pulis na nakatalaga sa Calbayog City Police Station ang pinagbabaril bandang 11:30 ng gabi, Agosto 11, 2023 sa Road 18, Phase 1, Narcisa Subdivision, Purok 6 Brgy. Rawis, Calbayog City, Samar.

Nakilala ang biktima na si PSSg Philip Ray Alcazar, 46 na taong gulang at residente ng Brgy. 7 Tres De Abril St. Cebu City.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na bago ang nasabing insidente, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang kaibigan nang nagpasya ang biktima na umuwi at pagkatapos ay naglakad palabas ng gate patungo sa kanyang service Mitsubishi pick-up na kulay itim.

Sa pagkakataong iyon, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang biglang sumulpot at nang walang anumang dahilan ay pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 na pistol. Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Pinoproseso ng Calbayog Forensic Unit ang pinangyarihan ng krimen at narekober ang 26 na basyo (FCC), dalawang fired bullet at dalawang live na bala.

Samantala, dinala ang bangkay ng biktima sa Punerarya para sa Autopsy o post mortem examination. Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa posibleng pagkakaaresto sa mga tumatakas na suspek. Patuloy ang imbistigasyon sa motibo ng pagpaslang sa biktima.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe