Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsPulis ng Leyte, kinondena ang pagpatay sa mga Opisyal ng Barangay San...

Pulis ng Leyte, kinondena ang pagpatay sa mga Opisyal ng Barangay San Isidro, Leyte

Mariing kinondena ng Leyte Police Provincial Office ang pagpatay sa Barangay Chairman, Kagawad at Tanod ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte sa loob mismo ng barangay hall nito lamang ika-24 ng Pebrero 2024.

Ayon kay Police Colonel Erwin Portillo, Provincial Director ng Leyte Police Provincial Office, hinggil sa insidente, nagpakalat sila ng karagdagang pulis para mapabilis ang proseso ng pagbibigay ng hustisya sa mga biktima habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Ipinaliwanag rin na nakatutok ang pulisya sa kaligtasan at seguridad ng mga residente ng San Isidro, gayundin ang iba pang munisipalidad sa ikatlong distrito ng lalawigan ng Leyte.

“Kami ay walang sawang nagtatrabaho upang hulihin ang mga responsable para sa mga marahas na gawain at wakasan ang kriminal na aktibidad na ito. Nakikipagtulungan kami sa iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas, nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat, at nangangalap ng mga impormasyon upang matiyak ang isang mabilis na resolusyon,” pahayag ni PCol Portillo.

Ipinag-uutos rin na palakasin at paigtingin ang presensya ng mga pulis, maglagay ng 24-hour checkpoints, at magpatupad ng security measures para makita ang presensya ng mga pulis.

Nananawagan ang pulisya sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na iulat ang anumang aktibidad o impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon.

“Dagdag pa niya, nais naming paalalahanan ang publiko na itigil ang paggawa ng mga konklusyon hangga’t ang lahat ng mga katotohanan ay maitatag sa pamamagitan ng isang komprehensibong pagsisiyasat o imbestigasyon sa kaso. Anumang haka-haka o pagkalat ng hindi totoong impormasyon ay maaaring makaapekto sa patuloy na pagsisiyasat at hadlangan ang paghahanap ng hustisya sa kasong ito.”

Samantala, masasabing ito na ang ikaapat na insidente ng pamamaril sa mga opisyales ng barangay dito sa Leyte sa buwan ng Pebrero. Unang pamamaril ay sa isang Barangay Chairman ang nasawi, at isang konsehal ang nasugatan sa Ormoc City. Sinundan ito ng pagpatay sa isang Barangay Kagawad sa Tabango, Leyte noong Pebrero 20, gayundin ang pamamaril sa isa pang Kagawad sa bayan ng Leyte noong Pebrero 22.

Source: https://www.facebook.com/share/p/hFSbQQfjPS8tWX99/?mibextid=WC7FNe

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe