Inaasahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ibigay ang kumpletong community-based monitoring system (CBMS) data sa lahat ng 91 na bayan ng Eastern Visayas bago matapos ang taon.
Sinabi ni Zonia Salazar, Assistant Chief ng PSA Regional Statistical Operation and Coordination Division nitong Huwebes na natapos na ang enumeration sa lahat ng lugar habang nagpapatuloy ang pagsusuri at validation para sa kalahati ng mga sakop na lugar.
“We have already turned over completed CBMS data to 42 towns as of this week. The target is to turn over all data before 2024,” sabi ni Salazar sa isang panayam.
“The CBMS is a diagnostic tool to assess poverty at the village, municipal, city, and provincial level. It provides policymakers and program implementers with a good information base for tracking the impacts of macroeconomic reforms,” sabi ni PSA 8 (Eastern Visayas) Director Wilma Perante sa isang pahayag.
Nitong mga nakaraang araw, ang PSA ay nagbigay ng datos sa mga bayan ng Almagro, Hinabangan, Jiabong, Marabut, Motiong, San Jose de Buan, Santa Rita, Talalora, Tarangnan, Villareal, Zumarraga, Tagapul-an, San Jorge, at Pagsanghan sa Samar.
Ang iba pang lugar ay ang Hindang, Julita, La Paz, MacArthur, Mayorga, Merida, Pastrana, Sta. Fe, Tabontabon, Tolosa, at Tunga sa Leyte; Balangkayan, Gen. MacArthur, Hernani, Jipapad, Maslog, at Quinapondan sa Eastern Samar; Liloan, Macrohon, Silago, at Sogod sa Southern Leyte; at Biliran, Almeria, Culaba, Caibiran, Cabucgayan, Maripipi, at Kawayan sa lalawigan ng Biliran.
Naantala ang turnover sa Northern Samar dahil sa pagbaha kamakailan na nakaapekto sa ilang lugar sa lalawigan.
Ang CBMS ay tumutukoy sa isang organisadong sistemang nakabatay sa teknolohiya ng pagkolekta, pagproseso, at pagpapatunay ng kinakailangang data na maaaring gamitin para sa pagpaplano, pagpapatupad ng programa, at impact monitoring sa lokal na antas habang hinihikayat ang mga komunidad na makiisa sa proseso.
Ang sistema, na ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act 11315, ay kabilang sa pagbuo ng datos sa lokal na antas, na nagsisilbing batayan para sa pag-target sa bawat bahay sa pagpaplano, pagbabadyet, at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pag-alis ng kahirapan at pag-unlad ng ekonomiya.
“The CBMS entails a census of households using accelerated poverty profiling systems in the data. Data generated from CBMS will serve as the compendium of localized facts, figures, and maps on the different dimensions of poverty,” dagdag ni Perante.