Friday, November 8, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesProbinsya ng Iloilo nais magkaroon ng Center para sa mga OFW at...

Probinsya ng Iloilo nais magkaroon ng Center para sa mga OFW at sa mga pamilya nito

ILOILO CITY – Nais magkaroon ng Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) ng Iloilo ng permanenteng programa na magtatalima sa lahat ng mga pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa probinsya at ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Iloilo Provincial Overseas Filipinos Migration and Development (OFMD) Center.

Ayon pa ni Board Member Rolando Distura, ang OFMD Center ay mapapasailalim sa Provincial Government’s Public Employment Service Office (PESO).

“The center will take care of all the programs, projects, and activities of our OFWs and their families. Eventually, the center will cater to all their concerns, such as deployment, legal cases, and reintegration when they go back home,” dagdag pa ni Distura.

Tutulong ang opisina sa mga OFWs at ng kanilang mga pamilya upang maipaabot ang kanilang mga problema at pangangailangan sa nararapat na ahensya ng pamahalaan. Bukod pa riyan, makakatulong din ito sa kanila sakaling nangangailangan sila ng iba pang mga oportunidad at karagdagang pagsasanay kaugnay sa kanilang pangarap na mangibang bansa.

Inaasahan din ang opisina na magkaroon ito ng sistema sa monitoring at referral system mula ng sila ay maideploy hanggang sila ay makabalik sa kanilang mga pamilya. Mayroon din itong Internet connection at telepono na makakonekta sa ibang bansa.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na 10 porsyento ng annual budget ng PESO ay mapupunta sa operasyon ng nasabing opisina.

“This will cater to our Ilonggo OFWs and their families. We have thousands of Ilonggo OFWs,” saad pa ni Distura.

Ang naturang ordinansa ay magiging epektibo sakaling pipirmahan ito ng kanilang governor.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe