Monday, November 18, 2024

HomeNewsPRO8 Regional Director, tiniyak na susunod sa kautusan ng korte kaugnay sa...

PRO8 Regional Director, tiniyak na susunod sa kautusan ng korte kaugnay sa kustodiya ng 9 na Pulis na akusado sa Aquino Murder Case

Tiniyak ni Police Brigadier General Rommel Francisco D. Marbil, Regional Director ng Police Regional Office 8 na susunod sila sa kung anuman ang magiging pasya at kautusan ng korte kaugnay sa pagkakasangkot ng siyam (9) na dating mga pulis na akusado sa pag-ambush at pagpatay kay dating Calbayog City Mayor Ronaldo P. Aquino at mga security escorts noong Marso 8, 2021 sa Brgy. Lonoy, Calbayog City.

Matatandaang sinibak sa tungkulin ang mga nasabing pulis ni dating PNP Chief Police General Guillermo Eleazar dahil napatunayan sa masusing pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) na planado ang pagpaslang sa Alkalde.

Kamakailan, sumulat si Police Brigadier General Ronaldo O. Lee, Acting Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Kampo Krame kay Regional Trial Court Branch 31 Presiding Judge Reynaldo Clemens na humihiling na ilipat na ang kustodiya ng siyam na pulis-suspek.

Sa sulat ni PBGen Lee, hiniling nito na mailipat na sa BJMP ang mga akusado na sina Lieutenant Colonel Harry Sucayre, Major Shyrille Tan, Captain Dino Goles, Lieutenant Julio Armeza Jr., Staff Sergeant Neil Cebu, Staff Sergeant Edsel Omega, Staff Sergeant Randy Merelos, Corporal Julius Garcia, at Patrolman Niño Salem dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Hindi jail facility ang CIDG.
  2. Magastos at walang pundo ang CIDG para dalhin ang mga akusado sa korte sa bawat hearing.
  3. Kulang sa tao ang CIDG para magbantay sa mga akusado at may iba silang mandato.

Sa ngayon, ayon kay Regional Director Marbil ay wala pa silang court order na natatanggap kaugnay dito.

Nilinaw naman ni BJMP Regional Director Jail Chief Superintendent Delvic L Oreiro na handa silang tanggapin ang mga ito at makasisiguro umano ang publiko na ipapasok sa karaniwang jail detention cell facility ang siyam na akusadong pulis.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe