Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsPRO 6 Top Cop PBGen Wanky, tampok sa Kapihan sa Bagong Pilipinas

PRO 6 Top Cop PBGen Wanky, tampok sa Kapihan sa Bagong Pilipinas

Sa live episode nitong Martes, ika-6 ng Agosto, 2024 ng Kapihan sa Bagong Pilipinas, pinaunlakan ng ama ng kapulisan sa Western Visayas na si PBGen Jack L Wanky, Regional Director ng Police Regional Office 6 ang isang live interview mula sa Kapihan sa Bagong Pilipinas at iba pang mga kinatawan ng Media sa Rehiyon. 

Ibinahagi niya ang kanilang mga kapansin-pansing tagumpay sa pagtupad ng kanilang mandato na tiyakin ang mapayapa, ligtas, at maunlad na Bagong Pilipinas, binibigyang-diin din niyang wala nang organized crime group na nag-ooperate sa Western Visayas.

Ito rin ang dahilan kung bakit nananatiling maayos at tahimik ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa Rehiyon 6.

Dagdag pa ni PBGEN Wanky, wala nang insidente ng Bank Robbery, Kidnapping, Hijacking, at iba pang malalaking kaso na nangyari sa Rehiyon.

Patunay lamang ito sa sumisibol na mas mapayapang Bagong Pilipinas.

Tiniyak din ni PBGen Wanky na masusustena ang kampanya lalo na’t papasok na ang “Ber months” sa pamamagitan ng pagpapalakas ng police visibility at anti-criminality campaign.

Ang Philippine National Police (PNP), bilang nangungunang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ay dedikado sa pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng bansa, pagpigil sa krimen, at pangangasiwa sa regulasyon.

Ang Kapihan sa Bagong Pilipinas ay isang inisyatiba ng Presidential Communications Office (PCO), sa pakikipagtulungan sa Philippine Information Agency (PIA) na may layuning   palalimin ang pagkaunawa at pakikilahok ng publiko sa mga aktibidad, programa, at proyekto ng iba’t ibang ahensya sa antas ng pamayanan, na naaayon sa agenda ng pamahalaang Bagong Pilipinas sa pamamahala at pamumuno.

Source: PIA Western Visayas

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe