Sunday, December 29, 2024

HomeNewsPolitical instructor na dating aktibista, patay sa sagupaan sa Iloilo

Political instructor na dating aktibista, patay sa sagupaan sa Iloilo

Patay ang isang political instructor at finance officer ng Southern Front Committee ng Komiteng Rehiyon Panay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), sa sagupaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng mga tauhan ng 61st Infantry Battalion (61IB) Philippine Army sa Barangay Cananaman sa bayan ng Leon, Iloilo nitong nakaraang Linggo.

Kinilala ang rebeldeng nasawi na si Rebecca Aliparo alias Mara, 56-year-old, residente ng Barangay Bagacay, Tigbauan ng parehong lalawigan at isang dating aktibistang mag-aaral na hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

Tinatayang umabot sa tatlong minuto ang palitan ng bala at sagupaan ng dalawang grupo na siyang dahilan sa agarang pagkamatay ni Rebecca na may mga tama ng bala sa braso, mukha at dibdib nito.

Wala namang naiulat na nasawi sa hanay ng pamahalaan habang nakakumpiska naman ang mga awtoridad sa encounter site ng isang .45-caliber pistol, mga assorted medicine, dalawang civilian backpack at mga personal na kagamitan.

Matatandaang pangatlo na si Rebecca sa mga miyembro ng NPA na namatay sa encounter sa bayan ng Leon, kung saan dalawa sa mga ito ang namatay nito lamang nakaraang Hulyo sa engkwentro
Sa Sitio Pagas, Barangay Ayabang ng nasabing bayan.

Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na patuloy pa nilang paiigtingin ang mga operasyon sa pagtugis sa mga natitirang miyembro ng rebeldeng grupo hindi lamang sa lalawigan ng Iloilo pati na rin sa buong isla ng Panay at karatig nitong mga lalawigan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe