Nagpadala ang mga awtoridad ng Western Visayas ng karagdagang pwersa na aabot sa 1,725 na tauhan mula sa iba’t-ibang Provincial Offices sa buong Rehiyon upang palakasin ang seguridad sa Ati-Atihan Festival 2025 sa Kalibo, Aklan nito lamang ika-13 ng Enero 2025.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang masusing paghahanda upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga dadalo sa taunang pagdiriwang na kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista at deboto mula sa iba’t ibang lugar.
Layunin nito na palalakasin ang presensya at sapat na bilang ng mga kapulisan sa mga pangunahing lugar sa Kalibo, Aklan upang magpatupad ng seguridad at masiguro ang kapayapaan sa nabanggit na festival.
Patuloy ang mga tagapagpatupad batas upang matugunan ang mga pangangailangan sa seguridad at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa buong rehiyon.
SOURCE: PCADG WESTERN VISAYAS
Panulat ni Charmaine Balunsat