Wednesday, December 25, 2024

HomeNational NewsPNP-SAF, pinuri sa matagumpay na pagwakas ng insurhensya sa 4 na barangay...

PNP-SAF, pinuri sa matagumpay na pagwakas ng insurhensya sa 4 na barangay sa Northern Samar

Kinilala ng Philippine Army at ng lokal na pamahalaan ng Las Navas, Northern Samar ang 35 Elite Police Officers na tumulong sa pagwakas ng insurhensya sa mga barangay na pinamumugaran ng mga rebelde sa loob ng pitong buwan.

Ang mga miyembro ng 12th Special Action Battalion ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na nakabase sa Calbayog City, Samar ay na-deploy noong February 26, 2022 bilang Retooled Community Support Program (RCSP) Operators sa mga bayan ng Bulao, Dolores, San Isidro, at Quirino na nasa bayan ng Las Navas.

“Sa pamamagitan ng kanilang walang humpay na pagsisikap, apat na nayon ang idineklara na clear, peaceful, at conflict-resilient na komunidad ng area clearing evaluation team. Sa pagkakaroon ng mga miyembro ng SAF, ang mga komunidad na ito ay malaya na sa impluwensya ng mga komunistang teroristang grupo (CTG) at handa na para sa pag-unlad,” sabi ni 2nd Lieutenant Joyce Ann Bayron, 20th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Ang 20th IB ng Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Joemar Buban at Las Navas Mayor Arlito Tan ang nanguna sa send-back ceremony noong September 26, 2022 upang bigyang-pugay ang kanilang mga pagsisikap.

Lumahok din ang SAF troopers sa matagumpay na pagsasagawa ng RCSP sa mga bayan ng Dapdap, Imelda, San Francisco, Magsaysay, San Miguel, Aguinaldo, San Antonio, Catotoogan, at E. Perez.

“Mapayapa niyong iniwan ang mga nayong ito. Ang ginawa ninyo para sa mga taga-Las Navas ay magkakaroon ng mahaba at pangmatagalang epekto sa kapayapaan at seguridad na magbibigay daan para sa kaunlaran sa Northern Samar,” Mensahe ni LtCol Buban sa seremonya.

Ang Las Navas ay 4th Class sa lalawigan ng Northern Samar na may populasyon na 36,621 katao.

Ang ilang bayan sa Northern Samar ay itinuturing na pugad ng komunistang teroristang grupo dahil sa kanilang makapal na kagubatan at mahihirap na kalsada.

Dahil sa mataas na saklaw ng kahirapan, ang mga tao sa mga komunidad sa kabundukan ay mahina sa panghihikayat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe