Monday, December 16, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesPNP, pinarangalan ang pulis na napatay ng mga rebeldeng komunista sa Samar

PNP, pinarangalan ang pulis na napatay ng mga rebeldeng komunista sa Samar

Iginawad ng Philippine National Police ang Medalya ng Kadakilaan (PNP Heroism Medal) sa isa sa mga tauhan nito na napaulat na napatay ng mga rebeldeng komunista sa lalawigan ng Samar.

Si Patrolman Mark Monge ay pinarangalan para sa katapangan at kabayanihan ng higit pa sa kanyang tungkulin nang siya at ng iba pang mga tauhan ng pulisya ay pagbabarilin ng humigit-kumulang 10 rebeldeng New People’s Army (NPA) noong Hulyo 16 sa boundary ng Barangay San Nicolas sa bayan ng San Jose de Buan at Barangay Mabuhay sa bayan ng Gandara.

Sa isang pahayag ng PNP noong Miyerkules, binanggit ang 28-anyos na pulis ay nag-alay ng pinakamataas na sakripisyo sa ngalan ng tungkulin sa isang armadong engkwentro sa mga komunistang terorista sa Samar.

Ayon sa ulat ng pulisya, biglang pinaputukan ng mga rebeldeng NPA ang mga pulis na nagsasagawa ng humanitarian activity. Gumanti ang mga ito ng putok na nauwi sa putukan na tumagal ng halos limang minuto hanggang sa umalis ang mga rebelde sa lugar.

Samantala, tiniyak naman ni PNP Officer-In-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr, na makakatanggap ang pamilya ni Pat Monge ng financial support at social support, kabilang ang death benefits na may kabuuang mahigit Php1.4 milyon, na binubuo ng Php500,000 mula sa President’s Social Fund; Php256,345.98 bilang special financial assistance at Php107,462.34 bilang commutation ng accumulated leave mula sa PNP; Php445,020.00 na pabuya mula sa National Police Commission; at Php100,000 Pamanang Lingkod ng Bayan mula sa Civil Service Commission.

Nauna nang nagbigay si PLtGen Danao ng Php200,000 na tulong pinansyal sa pamilya ni Monge, habang si PBGen Bernard Banac, RD ng Eastern Visayas ay nag-abot din ng Php100,000.

“Nararamdaman namin ang pagkabalisa ng bawat asawa, anak at magulang ng ating mga pulis. Maaaring mawalan ng ama ang pamilya ng ibang pulis, maaaring mabalo ang isa, at mawalan ng anak ang ibang magulang habang ginagampanan ng ating kapulisan ang kanilang tungkulin upang matiyak na ligtas ang ating mga kababayan sa kanilang mga tahanan. The only way to address the situation is to strike hard on these terrorists,” ani Danao.

“Ang pagkamatay ni Patrolman Monge ay hindi mapupunta sa wala lang, ang PNP ay nakakuha ng inspirasyon sa kanyang kabayanihan,” dagdag niya.

Inutusan ni PLtGen Danao ang pulisya sa buong rehiyon na magsagawa ng “follow-up operations at legal na opensiba” laban sa mga responsable sa pananambang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe